-
Deuteronomio 30:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 “Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng salitang ito, ang pagpapala at ang sumpa na iniharap ko sa inyo,+ at naalaala ninyo ang mga ito+ kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova,+ 2 at kayo at ang mga anak ninyo ay nanumbalik sa Diyos ninyong si Jehova+ at nakinig sa tinig niya at sumunod nang buong puso at kaluluwa sa lahat ng iniuutos ko sa inyo ngayon,+ 3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+ 4 Kahit pa nangalat ang inyong bayan hanggang sa dulo ng lupa, titipunin kayo at kukuning muli ng Diyos ninyong si Jehova.+
-
-
1 Hari 8:47, 48Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
47 at matauhan sila sa lupain kung saan sila dinalang bihag,+ at manumbalik sila+ at magsumamo sa iyo sa lupain ng kanilang kaaway,+ na sinasabi, ‘Nagkasala kami at nagkamali; masama ang ginawa namin,’+ 48 at manumbalik sila sa iyo nang kanilang buong puso+ at buong kaluluwa sa lupain ng kanilang mga kaaway na bumihag sa kanila, at manalangin sila sa iyo nang nakaharap sa kanilang lupain na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno at sa lunsod na pinili mo at sa bahay na itinayo ko para sa pangalan mo,+
-