-
Hebreo 9:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Nang masabi na ni Moises sa buong bayan ang bawat utos sa Kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga batang toro at mga kambing at ng tubig, at iwinisik ang mga ito sa aklat* at sa buong bayan gamit ang pulang lana at isopo, 20 at sinabi niya: “Ito ang dugo para sa tipan na iniutos ng Diyos na tuparin ninyo.”+
-