-
Deuteronomio 18:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang nagsusunog ng anak niyang lalaki o babae bilang handog,*+ manghuhula,+ mahiko,+ naghahanap ng tanda,+ mangkukulam,*+ 11 nanggagayuma, kumokonsulta sa espiritista+ o manghuhula,+ o nakikipag-usap sa patay.+ 12 Dahil kasuklam-suklam kay Jehova ang lahat ng gumagawa ng mga ito, at itinataboy sila ng Diyos ninyong si Jehova mula sa harap ninyo dahil sa kasuklam-suklam na mga gawaing ito.
-
-
Jeremias 32:35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na lugar ni Baal sa Lambak ng Anak ni Hinom,*+ para sunugin ang mga anak nilang lalaki at babae para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ at hindi man lang sumagi sa isip ko* na ipagawa ang gayong kasuklam-suklam na bagay para magkasala ang Juda.’
-