Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 17:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Isulat mo ito sa aklat para hindi malimutan,* at ulitin mo ito kay Josue, ‘Lilipulin ko ang mga Amalekita sa ibabaw ng lupa,* at wala nang makakaalaala sa kanila.’”+

  • 1 Samuel 14:47, 48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Pinatatag ni Saul ang paghahari niya sa Israel at nakipagdigma siya sa lahat ng kaaway niya sa bawat panig, laban sa mga Moabita,+ Ammonita,+ Edomita,+ mga hari ng Zoba,+ at mga Filisteo;+ at saanman siya pumunta ay natatalo niya sila. 48 At buong tapang siyang nakipaglaban, at tinalo niya ang mga Amalekita+ at iniligtas ang Israel mula sa kamay ng mga kaaway nila.

  • 1 Samuel 15:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pagkatapos, sinabi ni Samuel kay Saul: “Isinugo ako ni Jehova para pahiran ka ng langis at gawing hari ng bayan niyang Israel;+ ngayon ay makinig ka sa sasabihin ni Jehova.+ 2 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Pananagutin ko ang mga Amalekita sa ginawa nila sa Israel nang labanan nila ito noong naglalakbay ito mula sa Ehipto.+ 3 Ngayon, lipulin mo ang mga Amalekita+ at ang lahat ng mayroon sila. Huwag kang maaawa sa kanila; patayin mo sila,+ ang lalaki at ang babae, ang bata at ang sanggol, ang toro at ang tupa, ang kamelyo at ang asno.’”+

  • 1 Cronica 4:42, 43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Ang ilan sa mga Simeonita, 500 lalaki, ay pumunta sa Bundok Seir,+ at pinangunahan sila nina Pelatias, Nearias, Repaias, at Uziel, na mga anak ni Isi. 43 At pinatay nila ang mga Amalekita+ na nakatakas, at naninirahan sila roon hanggang ngayon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share