Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sundin ninyong mabuti ang mga iyon;+ sa gayon, ang inyong karunungan+ at kaunawaan+ ay makikita ng mga bayang makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at sasabihin nila, ‘Talagang isang bayang marunong at may kaunawaan ang dakilang bansang ito.’+

  • Deuteronomio 8:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 alalahanin ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang nagbigay sa inyo ng kakayahan kaya yumaman kayo,+ para matupad niya ang tipang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, gaya ng ginawa niya ngayon.+

  • Josue 1:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka, at sundin mong mabuti ang buong Kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag kang lilihis doon,*+ para maging marunong ka sa mga gagawin mo saan ka man magpunta.+ 8 Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo,+ at dapat mo itong basahin nang pabulong* araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito;+ sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.+

  • 1 Hari 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Tuparin mo ang obligasyon mo kay Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan at pagsunod sa kaniyang mga batas, mga utos, mga kahatulan, at mga paalaala gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Moises;+ sa gayon, magtatagumpay ka* anuman ang gawin mo at saan ka man magpunta.

  • Awit 103:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero ang tapat na pag-ibig ni Jehova ay walang hanggan*

      Para sa mga natatakot sa kaniya,+

      At ang kaniyang katuwiran para sa mga anak ng mga anak nila,+

      18 Para sa mga tumutupad sa kaniyang tipan+

      At sa mga maingat na sumusunod sa mga utos niya.

  • Lucas 11:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Pero sinabi niya: “Hindi. Maligaya ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share