-
1 Hari 9:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng guho.+ Ang bawat dadaan dito ay mapapatitig dahil sa pagkagulat at mapapasipol at magsasabi, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+ 9 At sasabihin nila, ‘Iniwan kasi nila si Jehova na kanilang Diyos, ang naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at yumakap sila sa ibang diyos at yumukod at naglingkod sa mga ito. Kaya pinasapit ni Jehova sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.’”+
-
-
2 Cronica 7:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng guho. Ang bawat dadaan dito ay mapapatitig dahil sa pagkagulat+ at magsasabi, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+ 22 At sasabihin nila, ‘Iniwan kasi nila si Jehova+ na Diyos ng mga ninuno nila, ang naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto,+ at yumakap sila sa ibang diyos at yumukod at naglingkod sa mga ito.+ Kaya pinasapit niya sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.’”+
-