Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 29:24-26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 sasabihin nila at ng lahat ng bansa, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito?+ Bakit napakatindi ng galit niya?’ 25 At sasabihin nila, ‘Dahil iniwan nila ang tipan ni Jehova,+ na Diyos ng kanilang mga ninuno, na ipinakipagtipan niya sa kanila nang ilabas niya sila sa Ehipto.+ 26 Naglingkod sila at yumukod sa ibang mga diyos, mga diyos na hindi nila kilala at ipinagbawal niyang sambahin nila.*+

  • 1 Hari 9:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng guho.+ Ang bawat dadaan dito ay mapapatitig dahil sa pagkagulat at mapapasipol at magsasabi, ‘Bakit ito ginawa ni Jehova sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+ 9 At sasabihin nila, ‘Iniwan kasi nila si Jehova na kanilang Diyos, ang naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at yumakap sila sa ibang diyos at yumukod at naglingkod sa mga ito. Kaya pinasapit ni Jehova sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.’”+

  • Panaghoy 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang lahat ng dumadaan sa lansangan ay pumapalakpak sa iyo nang may panghahamak.+

      Napapasipol sila+ at napapailing sa anak na babae ng Jerusalem, at sinasabi nila:

      “Ito ba ang lunsod na sinasabi nilang ‘sukdulan sa ganda, ang kagalakan ng buong lupa’?”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share