-
1 Cronica 6:54-56Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
54 Ito ang mga lugar na pinagtayuan nila ng mga kampo* sa teritoryo nila: para sa mga inapo ni Aaron na kabilang sa pamilya ng mga Kohatita, dahil sila ang unang lumabas sa palabunutan, 55 ibinigay sa kanila ang Hebron+ sa lupain ng Juda, pati na ang mga pastulan sa palibot nito. 56 Pero ang lupain ng lunsod at ang mga pamayanan nito ay ibinigay nila kay Caleb+ na anak ni Jepune.
-