-
Bilang 32:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sumagot si Moises: “Gawin muna ninyo ito: Maghanda kayo sa harap ni Jehova para sa digmaan;+ 21 at kung kayong lahat ay maghahanda sa pakikipagdigma at tatawid sa Jordan sa harap ni Jehova habang itinataboy niya ang mga kaaway niya+ 22 hanggang sa ang lupain ay masakop sa harap ni Jehova,+ makakauwi kayo+ at hindi kayo magkakasala kay Jehova at sa Israel. At ang lupaing ito ay magiging pag-aari ninyo sa harap ni Jehova.+
-
-
Bilang 32:25-29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Kaya sinabi kay Moises ng mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben: “Gagawin ng iyong mga lingkod ang iniuutos ng aming panginoon. 26 Maiiwan sa mga lunsod ng Gilead ang aming mga anak, asawa, at alagang hayop,+ 27 pero tatawid ang iyong mga lingkod, bawat lalaking nakahandang sumama sa digmaan sa harap ni Jehova,+ gaya ng sinabi ng aming panginoon.”
28 Kaya may kaugnayan sa kanila, inutusan ni Moises si Eleazar na saserdote, si Josue na anak ni Nun, at ang mga ulo ng angkan sa mga tribo ng Israel. 29 Sinabi ni Moises: “Kung tatawid sa Jordan kasama ninyo ang mga anak ni Gad at mga anak ni Ruben, bawat lalaking nakahanda para sa digmaan sa harap ni Jehova, at ang lupain ay masakop sa harap ninyo, ibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Gilead bilang pag-aari.+
-