-
Bilang 11:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sumagot si Jehova kay Moises: “Pumili ka ng 70 mula sa matatandang lalaki ng Israel, mga kilala mo* bilang matatandang lalaki at mga opisyal ng bayan,+ at dalhin mo sila sa tolda ng pagpupulong, at patayuin mo sila roon kasama mo. 17 Bababa ako+ at makikipag-usap sa iyo roon,+ at kukuha ako ng ilang bahagi ng espiritu+ na sumasaiyo at ibibigay ko iyon sa kanila, at tutulungan ka nilang pasanin ang bayan para hindi mo ito dalhing mag-isa.+
-
-
Hukom 14:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kaya si Samson ay bumaba sa Timnah kasama ang kaniyang ama at ina. Nang makarating siya sa mga ubasan ng Timnah, sinalubong siya ng isang leong umuungal! 6 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at hinati niya ito sa dalawa, na parang naghahati ng isang batang kambing gamit lang ang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o ina kung ano ang ginawa niya.
-
-
2 Cronica 15:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Ngayon ay napuspos ng espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded.
-