Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 3:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Nang humingi ng tulong ang mga Israelita kay Jehova,+ naglaan si Jehova ng magliligtas sa mga Israelita,+ si Otniel+ na anak ni Kenaz, na nakababatang kapatid ni Caleb. 10 Ang espiritu ni Jehova ay sumakaniya,+ at siya ang naging hukom ng Israel. Nang makipagdigma siya, ibinigay ni Jehova si Cusan-risataim na hari ng Mesopotamia* sa kamay niya kaya natalo niya si Cusan-risataim.

  • Hukom 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Si Jepte ay napuspos ng espiritu ni Jehova,+ at dumaan siya sa Gilead at sa Manases para makapunta sa Mizpe ng Gilead,+ at mula sa Mizpe ng Gilead ay nagpunta siya sa mga Ammonita.

  • Hukom 13:24, 25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nang maglaon, nagsilang ang babae ng isang anak na lalaki at pinangalanan niya itong Samson;+ at habang lumalaki ang bata, patuloy siyang pinagpapala ni Jehova. 25 Sa kalaunan, sumakaniya ang espiritu ni Jehova+ sa Mahane-dan,+ sa pagitan ng Zora at Estaol.+

  • Hukom 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at hinati niya ito sa dalawa, na parang naghahati ng isang batang kambing gamit lang ang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o ina kung ano ang ginawa niya.

  • Hukom 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Nang makarating siya sa Lehi at makita ng mga Filisteo, naghiyawan sila sa saya. Pagkatapos, pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at ang mga lubid sa mga bisig niya ay naging gaya ng mga sinulid na lino na nasunog sa apoy, at nahulog ang mga ito mula sa mga kamay niya.+

  • Zacarias 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sinabi niya sa akin: “Ito ang mensahe ni Jehova kay Zerubabel: ‘“Hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, o sa pamamagitan ng kapangyarihan,+ kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share