-
Hukom 3:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Nang humingi ng tulong ang mga Israelita kay Jehova,+ naglaan si Jehova ng magliligtas sa mga Israelita,+ si Otniel+ na anak ni Kenaz, na nakababatang kapatid ni Caleb. 10 Ang espiritu ni Jehova ay sumakaniya,+ at siya ang naging hukom ng Israel. Nang makipagdigma siya, ibinigay ni Jehova si Cusan-risataim na hari ng Mesopotamia* sa kamay niya kaya natalo niya si Cusan-risataim.
-
-
Hukom 4:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Sinabi ngayon ni Debora kay Barak: “Humayo ka, dahil ito ang araw na ibibigay ni Jehova si Sisera sa kamay mo. Hindi ba si Jehova ang nasa unahan mo?” At bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor kasunod ang 10,000 lalaki.
-