-
1 Samuel 18:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Tuwing magbabalik si David at ang mga kasama niya mula sa pagpapabagsak sa mga Filisteo, lumalabas ang mga babae mula sa lahat ng lunsod ng Israel. Masaya silang umaawit+ at sumasayaw sa pagsalubong kay Haring Saul, habang tumutugtog ng mga tamburin+ at laud.* 7 Ang mga babaeng nagdiriwang ay umaawit ng ganito:
“Si Saul ay nagpabagsak ng libo-libo,
At si David ay ng sampu-sampung libo.”+
8 Dahil dito, galit na galit+ si Saul, at nainis siya sa awit na ito. Sinabi niya: “Sinabi nilang sampu-sampung libo ang pinabagsak ni David, pero ako, libo-libo lang. Kulang na lang, gawin nila siyang hari!”+
-
-
1 Samuel 29:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero nagalit sa kaniya ang matataas na opisyal ng mga Filisteo, at sinabi nila sa kaniya: “Pabalikin mo siya.+ Pauwiin mo siya sa lugar na ibinigay mo sa kaniya. Huwag mo siyang pasamahin sa atin sa labanan. Baka kapag naglalabanan na, buweltahan tayo niyan.+ Ano ba ang pinakamagandang magagawa niya para matuwa ang panginoon niya kundi ang ibigay rito ang ulo ng mga tauhan natin? 5 Hindi ba tungkol kay David ang inaawit nila habang sumasayaw? Sinasabi nila:
‘Si Saul ay nagpabagsak ng libo-libo,
At si David ay ng sampu-sampung libo.’”+
-