-
1 Samuel 16:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Nang maglaon, sinabi ni Jehova kay Samuel: “Hanggang kailan ka magdadalamhati para kay Saul+ ngayong itinakwil ko na siya mula sa pamamahala bilang hari sa Israel?+ Punuin mo ng langis ang sungay+ at lumakad ka na. Isusugo kita kay Jesse+ na Betlehemita, dahil pumili ako mula sa mga anak niya ng isang hari.”+
-
-
1 Cronica 28:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero pinili ako ni Jehova na Diyos ng Israel mula sa buong sambahayan ng aking ama para maging hari sa Israel magpakailanman,+ dahil pinili niya ang Juda bilang lider+ at mula sa sambahayan ng Juda, ang sambahayan ng aking ama,+ at mula sa mga anak ng aking ama, ako ang kinalugdan niyang gawing hari sa buong Israel.+
-