Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Noong si Saul ang hari namin, ikaw ang nangunguna sa Israel sa mga labanan.*+ At sinabi ni Jehova sa iyo: ‘Papastulan mo ang bayan kong Israel, at magiging pinuno ka ng Israel.’”+

  • 1 Cronica 17:7-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Sabihin mo ngayon sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Kinuha kita mula sa mga pastulan, mula sa pag-aalaga ng kawan, para maging pinuno ng bayan kong Israel.+ 8 At ako ay sasaiyo saan ka man magpunta,+ at lilipulin ko sa harap mo ang lahat ng iyong kaaway;+ at gagawin kong kilala ang pangalan mo, gaya ng pangalan ng mga dakilang tao sa daigdig.+ 9 Bibigyan ko ng lupain ang bayan kong Israel at doon ko sila patitirahin, at mamumuhay sila roon at wala nang gagambala sa kanila; at hindi na sila pahihirapan* ng masasamang tao gaya ng ginawa sa kanila noon,+ 10 mula nang araw na mag-atas ako ng mga hukom sa bayan kong Israel.+ At tatalunin ko ang lahat ng kaaway mo.+ Sinasabi ko rin sa iyo, ‘Magtatatag si Jehova ng isang sambahayan* para sa iyo.’

  • 1 Cronica 28:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pero pinili ako ni Jehova na Diyos ng Israel mula sa buong sambahayan ng aking ama para maging hari sa Israel magpakailanman,+ dahil pinili niya ang Juda bilang lider+ at mula sa sambahayan ng Juda, ang sambahayan ng aking ama,+ at mula sa mga anak ng aking ama, ako ang kinalugdan niyang gawing hari sa buong Israel.+

  • Awit 78:70, 71
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 70 Pinili niya ang lingkod niyang si David+

      At kinuha ito mula sa mga kulungan ng tupa,+

      71 Mula sa pag-aalaga ng mga tupang nagpapasuso;

      Ginawa niya itong pastol ng Jacob, na bayan niya,+

      At ng Israel, na kaniyang mana.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share