Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 16:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Bandang huli, sinabi ni Samuel kay Jesse: “Ito na ba ang lahat ng anak mong lalaki?” Sumagot ito: “Wala pa ang bunso;+ nagpapastol siya ng mga tupa.”+ Kaya sinabi ni Samuel kay Jesse: “Ipasundo mo siya, dahil hindi tayo uupo para kumain hangga’t hindi siya dumarating dito.” 12 Kaya ipinasundo niya siya at iniharap kay Samuel. Siya ay may mamula-mulang kutis, may magagandang mata, at guwapo.+ Pagkatapos, sinabi ni Jehova: “Tumayo ka, pahiran mo siya ng langis, dahil siya ang pinili ko!”+

  • 1 Samuel 17:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Si David ay nagpapabalik-balik sa paglilingkod kay Saul at sa pag-aalaga ng mga tupa+ ng kaniyang ama sa Betlehem.

  • 1 Samuel 25:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 At kapag tinupad na ni Jehova para sa aking panginoon ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya at inatasan ka niyang maging pinuno ng Israel,+

  • 2 Samuel 7:8-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sabihin mo ngayon sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Kinuha kita mula sa mga pastulan, mula sa pag-aalaga ng kawan,+ para maging pinuno ng bayan kong Israel.+ 9 At ako ay sasaiyo saan ka man magpunta,+ at lilipulin ko sa harap mo ang lahat ng iyong kaaway;+ at gagawin kong dakila ang pangalan mo,+ gaya ng pangalan ng mga dakilang tao sa daigdig. 10 Bibigyan ko ng lupain ang bayan kong Israel at doon ko sila patitirahin, at mamumuhay sila roon at wala nang gagambala sa kanila; at hindi na sila pahihirapan ng masasamang tao gaya ng ginawa sa kanila noon,+ 11 mula nang araw na mag-atas ako ng mga hukom+ sa bayan kong Israel. At bibigyan kita ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway mo.+

      “‘“Sinabi rin sa iyo ni Jehova na magtatatag si Jehova ng isang sambahayan* para sa iyo.+

  • Awit 78:70, 71
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 70 Pinili niya ang lingkod niyang si David+

      At kinuha ito mula sa mga kulungan ng tupa,+

      71 Mula sa pag-aalaga ng mga tupang nagpapasuso;

      Ginawa niya itong pastol ng Jacob, na bayan niya,+

      At ng Israel, na kaniyang mana.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share