-
1 Cronica 16:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Ipinasok nila ang Kaban ng tunay na Diyos at inilagay iyon sa loob ng tolda na itinayo ni David para dito;+ at nag-alay sila ng mga handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo sa harap ng tunay na Diyos.+ 2 Nang matapos ni David ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog+ at mga haing pansalo-salo,+ pinagpala niya ang bayan sa ngalan ni Jehova. 3 Bukod diyan, namahagi siya sa lahat ng Israelita, sa bawat lalaki at babae, ng isang bilog na tinapay, isang kakaning datiles, at isang kakaning pasas.
-