-
2 Samuel 6:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Ipinasok nila ang Kaban ni Jehova at inilagay iyon sa puwesto nito sa loob ng tolda na itinayo ni David para dito.+ Pagkatapos, nag-alay si David ng mga handog na sinusunog+ at mga haing pansalo-salo+ sa harap ni Jehova.+ 18 Nang matapos ni David ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo, pinagpala niya ang bayan sa ngalan ni Jehova ng mga hukbo. 19 Bukod diyan, namahagi siya sa buong bayan ng Israel, sa bawat lalaki at babae, ng isang hugis-singsing na tinapay, isang kakaning datiles, at isang kakaning pasas. Pagkatapos, umuwi ang buong bayan sa kani-kanilang bahay.
-