Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 7:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At kinuha ni Josue, kasama ng buong Israel, si Acan+ na anak ni Zera, ang pilak, ang mamahaling damit, at ang bara ng ginto,+ at ang kaniyang mga anak na lalaki at babae, ang kaniyang toro, asno, kawan, tolda, at ang lahat ng sa kaniya, at dinala nila ang mga ito sa Lambak* ng Acor.+

  • Josue 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At tinabunan nila siya ng napakaraming bato, na naroon pa hanggang ngayon. Pagkatapos ay humupa ang galit ni Jehova.+ Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Lambak ng Acor,* hanggang sa araw na ito.

  • Josue 8:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ibinitin niya sa isang tulos* ang hari ng Ai hanggang bago dumilim, at nang papalubog na ang araw, nag-utos si Josue na ibaba ang bangkay nito mula sa tulos.+ Inihagis nila iyon sa pasukan ng pintuang-daan ng lunsod at tinabunan ng napakaraming bato, na naroon pa rin hanggang sa ngayon.

  • Josue 10:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kaya dinala nila sa kaniya ang limang haring ito mula sa kuweba: ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon.+

  • Josue 10:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Paglubog ng araw, iniutos ni Josue na ibaba ang mga ito mula sa mga tulos+ at ihagis sa kuweba na pinagtaguan ng mga ito. Pagkatapos, naglagay sila ng malalaking bato sa pasukan ng kuweba, at naroon pa rin ang mga iyon hanggang sa mismong araw na ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share