14 Nang makarating siya sa Lehi at makita ng mga Filisteo, naghiyawan sila sa saya. Pagkatapos, pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at ang mga lubid sa mga bisig niya ay naging gaya ng mga sinulid na lino na nasunog sa apoy, at nahulog ang mga ito mula sa mga kamay niya.+
6 Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala niya ng sandata: “Halika, tumawid tayo papunta sa himpilan ng mga di-tuling lalaking ito.+ Baka tulungan tayo ni Jehova, dahil makapagliligtas si Jehova marami man o kaunti ang gamitin niya.”+
5 Isinapanganib niya ang buhay niya para mapatay ang Filisteo,+ at binigyan ni Jehova ng malaking tagumpay* ang buong Israel. Nakita mo iyon, at nagsaya ka. Kaya bakit mo papatayin si David nang walang dahilan? Bakit mo gagawan ng masama ang isang taong walang kasalanan?”+