Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 15:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang lupaing ibinigay+ sa tribo ni Juda* para sa kanilang mga pamilya ay hanggang sa hangganan ng Edom,+ ilang ng Zin, at hanggang sa Negeb sa dulo nito sa timog.

  • Josue 15:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ang hangganan ay paahon pa ng Lambak ng Anak ni Hinom+ papunta sa dalisdis ng mga Jebusita+ sa timog, ang Jerusalem,+ at paakyat sa tuktok ng bundok, na nasa tapat ng Lambak ng Hinom sa kanluran at nasa dulo ng Lambak* ng Repaim sa hilaga.

  • 2 Samuel 5:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Nang maglaon, bumalik ang mga Filisteo at nangalat sa Lambak* ng Repaim.+

  • 1 Cronica 11:15-19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Tatlo sa 30 pinuno ang pumunta sa malaking bato, kay David na nasa kuweba ng Adulam,+ habang isang hukbo ng mga Filisteo ang nagkakampo sa Lambak* ng Repaim.+ 16 Si David noon ay nasa kuta, at isang himpilan ng mga Filisteo ang nasa Betlehem. 17 Pagkatapos, sinabi ni David: “Makainom sana ako ng tubig mula sa imbakan ng tubig na nasa pintuang-daan ng Betlehem!”+ 18 Kaya pinasok ng tatlo ang kampo ng mga Filisteo at sumalok sila ng tubig mula sa imbakan na nasa pintuang-daan ng Betlehem at dinala ito kay David; pero ayaw inumin iyon ni David, sa halip, ibinuhos niya iyon para kay Jehova. 19 Sinabi niya: “Hinding-hindi ko magagawang inumin ang dugo ng mga lalaking ito na nagsapanganib ng buhay nila,+ dahil hindi malulugod ang aking Diyos! Isinapanganib nila ang buhay nila nang kunin nila ito.” Kaya hindi niya iyon ininom. Ito ang mga ginawa ng kaniyang tatlong malalakas na mandirigma.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share