Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 21:18-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At inutusan ng anghel ni Jehova si Gad+ na sabihin kay David na pumunta sa giikan ni Ornan na Jebusita para magtayo roon ng isang altar para kay Jehova.+ 19 Kaya pumunta roon si David ayon sa sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Gad. 20 Samantala, habang naggigiik ng trigo si Ornan, lumingon siya at nakita niya ang anghel, at ang apat niyang anak na kasama niya ay nagtago. 21 Nang papalapit na si David, nakita siya ni Ornan, at agad itong lumabas ng giikan at sumubsob sa lupa sa harap ni David. 22 Sinabi ni David kay Ornan: “Ipagbili* mo sa akin ang giikan, para makapagtayo ako roon ng isang altar para kay Jehova at matigil ang salot sa bayan. Ipagbili mo iyon sa akin sa buong halaga nito.”+ 23 Pero sinabi ni Ornan kay David: “Sa iyo na iyon, at gawin ng panginoon kong hari kung ano ang gusto* niya. Magbibigay ako ng mga baka para gawing handog na sinusunog at ng panggiik na kareta+ para gawing panggatong at ng trigo para gawing handog na mga butil. Ibibigay ko ang lahat ng iyon.”

  • 2 Cronica 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pagkatapos, sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ni Jehova+ sa Jerusalem sa Bundok Moria,+ kung saan nagpakita si Jehova sa ama niyang si David,+ sa lugar na inihanda ni David sa giikan ni Ornan+ na Jebusita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share