Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 24:18-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kaya pumunta si Gad kay David nang araw na iyon at sinabi rito: “Pumunta ka sa giikan ni Arauna na Jebusita+ at magtayo ka roon ng altar para kay Jehova.” 19 Kaya pumunta roon si David ayon sa iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Gad. 20 Nang makita ni Arauna na dumarating ang hari at ang mga lingkod nito, agad na sumalubong si Arauna at sumubsob sa lupa sa harap ng hari. 21 Nagtanong si Arauna: “Bakit pumunta ang panginoon kong hari sa kaniyang lingkod?” Sumagot si David: “Gusto kong bilhin ang giikan mo at magtayo rito ng isang altar para kay Jehova, para matigil ang salot sa bayan.”+ 22 Pero sinabi ni Arauna kay David: “Ibibigay ko ito sa iyo, panginoon kong hari. Ihandog mo kung ano ang gusto mo.* Heto ang mga baka bilang handog na sinusunog; at gawin mong panggatong ang panggiik na kareta at ang pamatok ng mga baka. 23 Ang lahat ng ito, O hari, ay ibinibigay ni Arauna sa hari.” Sinabi pa ni Arauna sa hari: “Pagpalain ka nawa ni Jehova na iyong Diyos.”

  • 2 Cronica 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pagkatapos, sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ni Jehova+ sa Jerusalem sa Bundok Moria,+ kung saan nagpakita si Jehova sa ama niyang si David,+ sa lugar na inihanda ni David sa giikan ni Ornan+ na Jebusita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share