13 At pinagputol-putol ng mga Caldeo ang mga haliging tanso+ sa bahay ni Jehova at ang mga patungang de-gulong+ at ang malaking tipunan ng tubig+ na yari sa tanso na nasa bahay ni Jehova, at dinala nila sa Babilonya ang mga tanso.+
17 Bawat haligi ay may taas na 18 siko,*+ at yari sa tanso ang kapital na nasa ibabaw nito; tatlong siko ang taas ng kapital, at gawa sa tanso ang lambat at mga palamuting granada* sa palibot ng kapital.+ Ganiyan din ang ikalawang haligi na may lambat.
21 Tungkol sa mga haligi, ang bawat isa ay 18 siko* ang taas, at mapaiikutan ito ng isang pisi na 12 siko ang haba;+ ang kapal nito ay apat na sinlapad-ng-daliri,* at walang laman ang loob nito.