Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 7:15-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Naghulma siya ng dalawang haliging tanso;+ bawat haligi ay 18 siko ang taas at mapaiikutan ng pising panukat na 12 siko ang haba.*+ 16 At naghulma siya ng dalawang kapital na gawa sa tanso para ilagay sa ibabaw ng mga haligi. Limang siko ang taas ng bawat kapital. 17 Ang mga kapital sa ibabaw ng bawat haligi ay pinalamutian nila ng lambat na gawa sa maliliit na kadena na pinilipit na gaya ng lubid;+ pito sa bawat kapital. 18 At gumawa siya ng mga palamuting granada,* at inilagay ang dalawang hanay nito sa palibot ng lambat para takpan ang mga kapital na nasa ibabaw ng mga haligi; ganiyan ang ginawa niya sa dalawang kapital. 19 Ang mga kapital na nasa ibabaw ng mga haligi sa beranda ay may disenyong liryo* na apat na siko ang taas. 20 Ang mga kapital ay nasa ibabaw ng dalawang haligi, sa ibabaw ng pabilog na bahaging pinapalibutan ng lambat; at 200 granada ang nakahanay sa palibot ng bawat kapital.+

      21 Itinayo niya ang mga haligi ng beranda ng templo.*+ Itinayo niya ang kanang* haligi at tinawag itong Jakin,* at itinayo niya ang kaliwang* haligi at tinawag itong Boaz.*+ 22 Ang ibabaw ng mga haligi ay may disenyong liryo. At natapos ang paggawa sa mga haligi.

  • 2 Hari 25:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Bawat haligi ay may taas na 18 siko,*+ at yari sa tanso ang kapital na nasa ibabaw nito; tatlong siko ang taas ng kapital, at gawa sa tanso ang lambat at mga palamuting granada* sa palibot ng kapital.+ Ganiyan din ang ikalawang haligi na may lambat.

  • 2 Cronica 4:11-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Gumawa rin si Hiram ng mga lalagyan ng abo, mga pala, at mga mangkok.+

      Kaya natapos ni Hiram ang ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon sa bahay ng tunay na Diyos:+ 12 ang dalawang haligi+ at ang mga hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng dalawang haligi; ang dalawang lambat+ na pantakip sa dalawang hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng mga haligi; 13 ang 400 granada*+ para sa dalawang lambat, dalawang hanay ng mga granada sa bawat lambat, para takpan ang dalawang hugis-mangkok na kapital na nasa mga haligi;+

  • Jeremias 52:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 At yari sa tanso ang kapital na nasa ibabaw nito; limang siko ang taas ng isang kapital,+ at gawa sa tanso ang lambat at mga palamuting granada* sa palibot ng kapital. Ganiyan din ang ikalawang haligi at ang mga palamuti nitong granada. 23 May 96 na granada sa palibot nito; lahat-lahat ay may 100 granada sa palibot ng lambat.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share