-
2 Cronica 4:18-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Napakaraming ginawa ni Solomon na ganitong kagamitan; hindi na inalam ang bigat ng mga tanso.+
19 Ginawa ni Solomon ang lahat ng kagamitan+ para sa bahay ng tunay na Diyos: ang gintong altar;+ ang mga mesa+ na pinagpapatungan ng tinapay na pantanghal;+ 20 ang mga kandelero at ang mga ilawan ng mga ito na purong ginto,+ para pailawin sa harap ng kaloob-loobang silid ayon sa mga kahilingan; 21 at ang mga bulaklak, ilawan, at mga pang-ipit ng mitsa, na lahat ay ginto, pinakapurong ginto; 22 ang mga pamatay ng apoy, mangkok, kopa, at ang mga lalagyan ng baga,* na lahat ay purong ginto; at ang pasukan ng bahay, ang mga pinto sa Kabanal-banalan,+ at ang mga pinto ng templo,* na lahat ay ginto.+
-