33 Isasabit mo ang kurtina sa ilalim ng mga pangawit at dadalhin mo ang kaban ng Patotoo+ sa loob ng kurtina. Ang kurtina ang magsisilbing dibisyon ng Banal+ at ng Kabanal-banalan.+
21 Ipinasok niya ang Kaban sa tabernakulo at inilagay ang kurtinang+ pantabing at tinabingan ang kaban ng Patotoo,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
17 Ipinasok nila ang Kaban ni Jehova at inilagay iyon sa puwesto nito sa loob ng tolda na itinayo ni David para dito.+ Pagkatapos, nag-alay si David ng mga handog na sinusunog+ at mga haing pansalo-salo+ sa harap ni Jehova.+
19 At nabuksan ang santuwaryo ng templo ng Diyos sa langit, at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa santuwaryo ng templo niya.+ At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog at isang lindol at ng malakas na pag-ulan ng yelo.*