-
2 Cronica 9:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Gumawa rin ang hari ng isang malaking trono na yari sa garing* at binalutan niya iyon ng purong ginto.+ 18 May anim na baytang paakyat sa trono, may gintong tuntungan na nakakabit sa trono, may mga patungan ng braso sa magkabilang panig ng trono, at dalawang leon+ ang nakatayo sa tabi ng mga patungan ng braso. 19 At may 12 leon+ na nakatayo sa anim na baytang, isa sa bawat dulo ng anim na baytang. Walang ibang kaharian ang gumawa ng tulad nito.
-