-
1 Hari 10:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Gumawa rin ang hari ng isang malaking trono na yari sa garing*+ at binalutan iyon ng dinalisay na ginto.+ 19 May anim na baytang paakyat sa trono, may parang bubong na bilog sa likuran nito, may mga patungan ng braso sa magkabilang panig ng trono, at dalawang leon+ ang nakatayo sa tabi ng mga patungan ng braso. 20 At may 12 leon na nakatayo sa anim na baytang, isa sa bawat dulo ng anim na baytang. Walang ibang kaharian ang gumawa ng tulad nito.
-