Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 11:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam:

      “Kumuha ka ng 10 piraso, dahil ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Aalisin* ko ang kaharian sa kamay ni Solomon, at bibigyan kita ng 10 tribo.+

  • 1 Hari 12:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Nagpasimula rin si Jeroboam ng isang kapistahan sa ika-15 araw ng ikawalong buwan, gaya ng kapistahan sa Juda.+ Sa altar na ginawa niya sa Bethel,+ naghandog siya sa mga guya na ginawa niya. Nag-atas din siya sa Bethel ng mga saserdote para sa matataas na lugar na ginawa niya.

  • 1 Hari 14:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya magpapasapit ako ng kapahamakan sa sambahayan ni Jeroboam, at lilipulin ko ang lahat ng lalaki* sa angkan ni Jeroboam, pati na ang mga hamak at mahihina sa Israel, at wawalisin kong parang dumi ang sambahayan ni Jeroboam+ hanggang sa wala nang matira!

  • 2 Cronica 11:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at pag-aari+ at pumunta sa Juda at Jerusalem dahil inalis sila ni Jeroboam at ng mga anak nito sa paglilingkod bilang mga saserdote kay Jehova.+

  • 2 Cronica 13:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sumabak si Abias sa digmaan kasama ang hukbo ng 400,000 malalakas at sinanay na* mandirigma.+ At si Jeroboam ay humanay para makipagdigma laban sa kaniya kasama ang 800,000 sinanay* at malalakas na mandirigma.

  • 2 Cronica 13:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At hindi na nabawi ni Jeroboam ang kapangyarihan niya noong panahon ni Abias; pagkatapos, pinarusahan siya ni Jehova at namatay siya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share