10 Pagkatapos, nagsugo si Absalom ng mga espiya sa lahat ng tribo ng Israel. Sinabi niya sa kanila: “Kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, isigaw ninyo, ‘Si Absalom ay naging hari sa Hebron!’”+
34 Doon, papahiran siya ng langis+ ng saserdoteng si Zadok at ng propetang si Natan bilang hari sa Israel; at hipan ninyo ang tambuli at sabihin, ‘Mabuhay si Haring Solomon!’+
39 Kinuha ngayon ng saserdoteng si Zadok ang sungay na lalagyan ng langis+ mula sa tolda+ at pinahiran si Solomon,+ at hinipan nila ang tambuli, at sumigaw ang buong bayan: “Mabuhay si Haring Solomon!”