31 Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+
28Si Ahaz+ ay 20 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang tama sa paningin ni Jehova; hindi niya tinularan ang ninuno niyang si David.+
3 Gumawa rin siya ng haing usok sa Lambak ng Anak ni Hinom* at sinunog ang mga anak niya;+ tinularan niya ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita.