Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Kapag sinira ko ang mga lalagyan* ninyo ng tinapay,*+ 10 babae ang makapagluluto ng tinapay sa iisang pugon at titimbangin pa nila ang ibibigay nilang tinapay sa inyo;+ at kakain kayo pero hindi mabubusog.+

  • Deuteronomio 28:53
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Kaya kakainin ninyo ang sarili ninyong anak,* ang laman ng mga anak ninyong lalaki at babae+ na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng kaaway ninyo.

  • Jeremias 37:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kaya iniutos ni Haring Zedekias na ilagay si Jeremias sa Looban ng Bantay,+ at dinadalhan siya araw-araw ng isang bilog na tinapay mula sa lansangan ng mga panadero,+ hanggang sa maubos na ang tinapay sa lunsod.+ At nanatili si Jeremias sa Looban ng Bantay.

  • Jeremias 38:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa espada, sa taggutom, at sa salot.*+ Pero ang susuko* sa mga Caldeo ay patuloy na mabubuhay; ang buhay niya ang magiging samsam niya* at mabubuhay siya.’+

  • Panaghoy 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang dila ng sanggol ay dumikit na sa ngalangala dahil sa uhaw.

      Ang mga bata ay namamalimos ng tinapay,+ pero walang nagbibigay sa kanila.+

  • Ezekiel 4:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sinabi pa niya: “Anak ng tao, aalisin ko ang suplay ng pagkain* sa Jerusalem,+ at kakainin nila nang may pagkabahala ang kanilang tinimbang na rasyon ng tinapay,+ at iinumin nila nang may takot ang kanilang tinakal na rasyon ng tubig.+

  • Ezekiel 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘“Kaya kakainin ng mga ama sa gitna mo ang mga anak nila,+ at kakainin ng mga anak ang mga ama nila, at maglalapat ako ng hatol sa gitna mo at pangangalatin ko ang iba pa sa iyo sa lahat ng direksiyon.”’*+

  • Ezekiel 5:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sangkatlo sa iyo ang mamamatay sa gitna mo dahil sa salot* o sa taggutom. Ang isa pang sangkatlo ay babagsak sa palibot mo sa pamamagitan ng espada.+ At ang huling sangkatlo ay pangangalatin ko sa lahat ng direksiyon,* at huhugot ako ng espada na hahabol sa kanila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share