-
Deuteronomio 5:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Hindi ka dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin.*+
8 “‘Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen+ o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig. 9 Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon,+ dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,*+ nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin,+
-
-
2 Hari 17:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Patuloy silang nagtayo ng mga sagradong haligi at mga sagradong poste*+ sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na puno;+ 11 at sa lahat ng matataas na lugar ay gumagawa sila ng haing usok na gaya ng mga bansang pinalayas ni Jehova sa harap nila.+ Patuloy silang gumawa ng masasamang bagay para galitin si Jehova.
-