Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 23:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sumunod sa kaniya si Eleazar+ na anak ni Dodo+ na anak ni Ahohi. Kabilang siya sa tatlong malalakas na mandirigmang kasama ni David nang tuyain nila ang mga Filisteo. Nagtipon sila para makipagdigma, at nang umurong ang mga lalaki ng Israel, 10 hindi siya natinag kundi patuloy niyang pinabagsak ang mga Filisteo hanggang sa mapagod ang mga braso niya at mangawit ang kamay niya sa paghawak sa espada.+ Binigyan sila ni Jehova ng malaking tagumpay* nang araw na iyon;+ at bumalik ang bayan at sumunod sa kaniya para kunin ang pag-aari ng mga napatay.

  • 2 Samuel 23:15-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pagkatapos, sinabi ni David: “Makainom sana ako ng tubig mula sa imbakan ng tubig na nasa pintuang-daan ng Betlehem!” 16 Kaya pinasok ng tatlong malalakas na mandirigma ang kampo ng mga Filisteo at sumalok sila ng tubig mula sa imbakan na nasa pintuang-daan ng Betlehem at dinala ito kay David; pero ayaw niyang inumin iyon, sa halip, ibinuhos niya iyon para kay Jehova.+ 17 Sinabi niya: “O Jehova, hinding-hindi ko magagawang inumin ang dugo+ ng mga lalaking nagsapanganib ng buhay nila!” Kaya hindi niya iyon ininom. Ito ang mga ginawa ng kaniyang tatlong malalakas na mandirigma.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share