-
Awit 96:1-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
96 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit.+
Buong lupa, umawit kayo kay Jehova!+
2 Umawit kayo kay Jehova; purihin ninyo ang pangalan niya.
Ihayag ninyo araw-araw ang mabuting balita ng pagliligtas niya.+
3 Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,
Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.+
4 Si Jehova ay dakila at karapat-dapat sa lahat ng papuri.
Mas dapat siyang katakutan kaysa sa lahat ng iba pang diyos.
-