Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 20:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sinabi ngayon ni Isaias kay Hezekias: “Pakinggan mo ang sinabi ni Jehova,+ 17 ‘Darating ang panahon na lahat ng nasa bahay* mo ngayon at lahat ng natipon ng mga ninuno mo ay dadalhin sa Babilonya.+ Walang matitira,’ ang sabi ni Jehova.

  • Isaias 39:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 ‘Darating ang panahon na lahat ng nasa bahay* mo ngayon at lahat ng natipon ng mga ninuno mo ay dadalhin sa Babilonya. Walang matitira,’+ ang sabi ni Jehova.+

  • Jeremias 27:19-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo tungkol sa mga haligi,+ sa malaking tipunan ng tubig,*+ sa mga patungang de-gulong,+ at sa natitirang mga kagamitan na naiwan sa lunsod na ito, 20 na hindi kinuha ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya nang ipatapon niya sa Babilonya mula sa Jerusalem ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias, na hari ng Juda, kasama ang lahat ng prominente sa Juda at Jerusalem;+ 21 oo, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga kagamitang naiwan sa bahay ni Jehova, sa bahay* ng hari ng Juda, at sa Jerusalem: 22 ‘“Dadalhin sa Babilonya ang mga iyon,+ at mananatili ang mga iyon doon hanggang sa araw na alalahanin ko ang mga iyon,” ang sabi ni Jehova. “At ibabalik ko ang mga iyon at isasauli sa lugar na ito.”’”+

  • Jeremias 52:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At pinagputol-putol ng mga Caldeo ang mga haliging tanso+ sa bahay ni Jehova at ang mga patungang de-gulong+ at ang malaking tipunan ng tubig na yari sa tanso+ na nasa bahay ni Jehova, at dinala nila sa Babilonya ang lahat ng tanso.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share