-
2 Hari 24:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Sumuko si Jehoiakin na hari ng Juda sa hari ng Babilonya,+ kasama ang kaniyang ina, mga lingkod, mga pinuno, at mga opisyal sa palasyo;+ at binihag siya ng hari ng Babilonya sa ikawalong taon ng pamamahala nito.+ 13 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Babilonya ang lahat ng kayamanan sa bahay ni Jehova at ang kayamanan sa bahay* ng hari.+ Pinagputol-putol niya ang lahat ng kagamitang ginto na ginawa ni Solomon na hari ng Israel sa templo ni Jehova.+ Nangyari ito gaya ng inihula ni Jehova.
-
-
Jeremias 27:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 oo, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga kagamitang naiwan sa bahay ni Jehova, sa bahay* ng hari ng Juda, at sa Jerusalem: 22 ‘“Dadalhin sa Babilonya ang mga iyon,+ at mananatili ang mga iyon doon hanggang sa araw na alalahanin ko ang mga iyon,” ang sabi ni Jehova. “At ibabalik ko ang mga iyon at isasauli sa lugar na ito.”’”+
-