-
1 Hari 14:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Ginawa ng Juda ang masama sa paningin ni Jehova,+ at mas ginalit nila siya dahil mas masahol pa ang mga kasalanan nila kaysa sa mga ninuno nila.+ 23 Patuloy rin silang nagtayo ng matataas na lugar, mga sagradong haligi, at mga sagradong poste*+ sa bawat mataas na burol+ at sa ilalim ng bawat mayabong na puno.+
-
-
2 Hari 23:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Inalis din ni Josias ang lahat ng bahay para sa pagsamba na nasa matataas na lugar sa mga lunsod ng Samaria,+ na itinayo ng mga hari ng Israel para galitin ang Diyos, at ginawa rin niya sa mga iyon ang ginawa niya sa Bethel.+ 20 Kaya inihandog niya sa mga altar ang lahat ng saserdote ng matataas na lugar na naroon, at nagsunog siya ng mga buto ng tao sa mga iyon.+ Pagkatapos, bumalik siya sa Jerusalem.
-