22 Ang hari ay may mga barko ng Tarsis+ sa dagat na kasama ng mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat tatlong taon, dumarating ang mga barko ng Tarsis na may dalang ginto at pilak, garing,+ unggoy, at paboreal.
23 Kaya sa lahat ng hari sa lupa, si Haring Solomon ang pinakamayaman+ at pinakamarunong.+