-
2 Hari 9:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Iniulat ng bantay: “Nakarating siya sa kanila, pero hindi pa siya bumabalik. At ang pagpapatakbo ng pinuno nila ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu na apo* ni Nimsi, dahil nagpapatakbo siyang parang baliw.” 21 Sinabi ni Jehoram: “Ihanda ang karwahe!” Kaya inihanda ang kaniyang karwaheng pandigma. Si Haring Jehoram ng Israel at si Haring Ahazias+ ng Juda ay sumakay sa kani-kaniyang karwaheng pandigma para salubungin si Jehu. Nasalubong nila ito sa bukid ni Nabot+ na Jezreelita.
-