-
Exodo 30:12-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “Sa tuwing magsasagawa ka ng sensus at bibilangin mo ang mga lalaking Israelita,+ ang bawat isa ay dapat magbigay kay Jehova ng pantubos para sa buhay niya sa panahon ng sensus. Kailangan ito para walang salot na dumating sa kanila kapag nairehistro sila. 13 Ito ang ibibigay ng lahat ng nairehistro: kalahating siklo* ayon sa siklo ng banal na lugar.*+ Ang 20 gerah* ay katumbas ng isang siklo. Ang kalahating siklo ay ang abuloy para kay Jehova.+ 14 Ang lahat ng nairehistrong 20 taóng gulang pataas ay magbibigay ng abuloy kay Jehova.+ 15 Ang mayaman ay hindi dapat magbigay ng higit at ang mahirap ay hindi dapat magbigay ng kulang sa kalahating siklo* na abuloy kay Jehova para matubos ang* inyong buhay. 16 Kukunin mo sa mga Israelita ang ipantutubos* na perang pilak at ibibigay mo iyon bilang suporta sa paglilingkod sa tolda ng pagpupulong, at iyon ay magsisilbing alaala sa harap ni Jehova para sa mga Israelita, para matubos ang* inyong buhay.”
-