-
2 Cronica 36:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+ 23 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.+ Sinuman sa inyo na kabilang sa bayan niya, gabayan sana siya ni Jehova na kaniyang Diyos, at hayaan siyang pumunta roon.’”+
-
-
Ezra 6:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 “Noong unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa bahay ng Diyos sa Jerusalem:+ ‘Itatayong muli ang bahay na paghahandugan nila ng mga hain, at gagawin ang mga pundasyon nito; 60 siko* ang taas nito at 60 siko ang lapad,+ 4 na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng mga kahoy.+ Ang panggastos ay kukunin sa kabang-yaman ng hari.+
-