Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 24:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pumunta sa lunsod si Haring Nabucodonosor ng Babilonya habang ang mga lingkod niya ay nakapalibot sa lunsod.

  • 2 Hari 24:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Babilonya ang lahat ng kayamanan sa bahay ni Jehova at ang kayamanan sa bahay* ng hari.+ Pinagputol-putol niya ang lahat ng kagamitang ginto na ginawa ni Solomon na hari ng Israel sa templo ni Jehova.+ Nangyari ito gaya ng inihula ni Jehova.

  • 2 Cronica 36:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At dinala ni Nabucodonosor sa Babilonya ang ilan sa mga kagamitan ng bahay ni Jehova at inilagay ang mga iyon sa palasyo niya sa Babilonya.+

  • 2 Cronica 36:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ang lahat ng kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos, malaki man o maliit, pati ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova at ang mga kayamanan ng hari at ng kaniyang matataas na opisyal, ay dinala niyang lahat sa Babilonya.+

  • Ezra 6:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Bukod diyan, ang mga sisidlang yari sa ginto at pilak sa bahay ng Diyos na kinuha ni Nabucodonosor sa templo sa Jerusalem at dinala sa Babilonya+ ay isasauli, para mailagay ang mga iyon sa tamang lugar sa bahay ng Diyos sa Jerusalem.’+

  • Daniel 1:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Nang ikatlong taon ng pamamahala ni Haring Jehoiakim+ ng Juda, sinalakay* ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya ang Jerusalem.+ 2 At ibinigay ni Jehova si Haring Jehoiakim ng Juda sa kamay niya,+ pati na ang ilan sa mga kagamitan ng bahay* ng tunay na Diyos, at dinala niya ang mga iyon sa Sinar*+ sa bahay* ng kaniyang diyos. Inilagay niya ang mga kagamitan sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.+

  • Daniel 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Habang nasa impluwensiya ng alak, iniutos ni Belsasar na ipasok ang mga sisidlang ginto at pilak na kinuha ng kaniyang amang si Nabucodonosor mula sa templo sa Jerusalem,+ para makainom siya* sa mga ito at ang kaniyang mga opisyal, mga pangalawahing asawa, at iba pang asawa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share