12 Sumuko si Jehoiakin na hari ng Juda sa hari ng Babilonya,+ kasama ang kaniyang ina, mga lingkod, mga pinuno, at mga opisyal sa palasyo;+ at binihag siya ng hari ng Babilonya sa ikawalong taon ng pamamahala nito.+
14 Ipinatapon niya ang buong Jerusalem, ang lahat ng pinuno,+ ang lahat ng malalakas na mandirigma, at ang bawat bihasang manggagawa at panday*+—10,000 lahat. Walang naiwan maliban sa pinakamahihirap na tao sa lupain.+
17 Kaya pinasalakay niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo,+ na pumatay sa kanilang mga kalalakihan sa santuwaryo+ sa pamamagitan ng espada;+ hindi siya naawa sa binata o dalaga, sa matanda o may kapansanan.+ Ibinigay ng Diyos ang lahat sa kamay niya.+
20 Ginawa niyang bihag sa Babilonya ang mga hindi namatay sa espada,+ at ang mga ito ay naging mga lingkod niya+ at ng mga anak niya hanggang sa magsimulang mamahala ang kaharian ng Persia,+
9 Ipinatapon sa Babilonya ni Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay ang lahat ng natira sa lunsod, ang mga kumampi sa kaniya, at ang lahat ng iba pang naiwan.
15 Ipinatapon ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay ang ilan sa mga hamak sa bayan at ang lahat ng natira sa lunsod. Kinuha rin niya ang mga kumampi sa hari ng Babilonya pati ang lahat ng bihasang manggagawa.+