-
Esther 4:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Nang malaman ni Mardokeo+ ang lahat ng nangyari,+ pinunit niya ang damit niya at nagsuot siya ng telang-sako at naglagay ng abo sa sarili. Pagkatapos, lumabas siya papunta sa gitna ng lunsod, na umiiyak nang malakas dahil sa matinding kalungkutan. 2 Hanggang sa labas lang siya ng pintuang-daan ng hari dahil hindi puwedeng pumasok doon ang nakasuot ng telang-sako. 3 At sa bawat nasasakupang distrito+ kung saan nakaabot ang kautusan ng hari, ang mga Judio ay labis na nagdadalamhati. Sila ay nag-aayuno,*+ umiiyak, at humahagulgol. Marami ang nakahiga sa mga telang-sako at abo.+
-