Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • Awit 62:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig, O Jehova,+

      Dahil ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa mga ginagawa niya.+

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo, “Pero hindi namin alam iyon,”

      Hindi ba alam ng Tagasuri ng puso* kung ano ang totoo?+

      Oo, malalaman iyon ng Isa na nagbabantay sa iyo

      At gagantihan niya ang bawat tao ayon sa ginagawa nito.+

  • Jeremias 32:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Dakila ang layunin mo at makapangyarihan ang mga gawa mo,+ ikaw na nagmamasid sa lahat ng landasin ng mga tao,+ para ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang landasin at mga ginagawa.+

  • Ezekiel 33:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Pero sinabi ninyo, ‘Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.’+ Hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang landasin, O sambahayan ng Israel.”

  • Roma 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ibibigay niya sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga gawa:+

  • 2 Corinto 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil tayong lahat ay dapat humarap sa luklukan ng paghatol ng Kristo, para magantihan ang bawat isa ayon sa mga ginawa niya, mabuti man o masama,+ habang nasa katawang ito.

  • Galacia 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Huwag ninyong dayain ang sarili ninyo: Hindi puwedeng linlangin ang Diyos. Dahil anuman ang inihahasik ng isang tao, iyon din ang aanihin niya;+

  • 1 Pedro 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At kung tumatawag kayo sa Ama na humahatol nang patas+ ayon sa ginagawa ng bawat isa, gumawi kayo nang may takot+ habang pansamantala kayong naninirahan sa sanlibutang ito.

  • Apocalipsis 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “‘Malapit na akong dumating, at nasa akin ang kabayarang ibibigay ko, para ibigay sa bawat isa ang ayon sa ginagawa niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share