Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 34:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa ginagawa nito,+

      At ipinararanas niya sa tao ang resulta ng landasin nito.

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo, “Pero hindi namin alam iyon,”

      Hindi ba alam ng Tagasuri ng puso* kung ano ang totoo?+

      Oo, malalaman iyon ng Isa na nagbabantay sa iyo

      At gagantihan niya ang bawat tao ayon sa ginagawa nito.+

  • Roma 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ibibigay niya sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga gawa:+

  • 2 Corinto 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil tayong lahat ay dapat humarap sa luklukan ng paghatol ng Kristo, para magantihan ang bawat isa ayon sa mga ginawa niya, mabuti man o masama,+ habang nasa katawang ito.

  • Galacia 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Huwag ninyong dayain ang sarili ninyo: Hindi puwedeng linlangin ang Diyos. Dahil anuman ang inihahasik ng isang tao, iyon din ang aanihin niya;+

  • 2 Timoteo 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Napakasama ng mga ginawa sa akin ng panday-tanso na si Alejandro. Gagantihan siya ni Jehova* ayon sa mga ginawa niya.+

  • Apocalipsis 20:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nakita ko ang mga patay, ang mga dakila at ang mga hamak, na nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga balumbon. Pero may isa pang balumbon na binuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ Ang mga patay ay hinatulan sa mga ginawa nila batay sa mga nakasulat sa mga balumbon.+ 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na naroon, at ibinigay ng kamatayan at ng Libingan* ang mga patay na nasa mga ito, at hinatulan ang bawat isa sa kanila ayon sa mga ginawa nila.+

  • Apocalipsis 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “‘Malapit na akong dumating, at nasa akin ang kabayarang ibibigay ko, para ibigay sa bawat isa ang ayon sa ginagawa niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share