Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 14:1-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sinasabi ng mangmang sa sarili:

      “Walang Jehova.”+

      Ang mga ginagawa nila ay napakasama at kasuklam-suklam;

      Walang gumagawa ng mabuti.+

       2 Pero tinitingnan ni Jehova mula sa langit ang mga anak ng tao

      Para makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+

       3 Lahat sila ay lumihis;+

      Lahat sila ay masasama.

      Walang gumagawa ng mabuti,

      Wala kahit isa.

       4 Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali?

      Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay.

      Hindi sila tumatawag kay Jehova.

       5 Pero mababalot sila ng matinding takot,+

      Dahil si Jehova ay kasama ng henerasyon ng mga matuwid.

       6 Kayong masasama, hinahadlangan ninyo ang mga plano ng dukha,

      Pero si Jehova ang kanlungan niya.+

       7 Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+

      Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,

      Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.

  • Roma 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 gaya ng nasusulat: “Walang taong matuwid, wala kahit isa;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share