Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 53:superskripsiyon-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • Sa direktor; sa istilong Mahalat.* Maskil.* Awit ni David.

      53 Sinasabi ng mangmang sa sarili niya:

      “Walang Jehova.”+

      Ang mga ginagawa nilang di-matuwid ay napakasama at kasuklam-suklam;

      Walang gumagawa ng mabuti.+

       2 Pero tinitingnan ng Diyos mula sa langit ang mga anak ng tao+

      Para makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+

       3 Lahat sila ay tumalikod;

      Lahat sila ay masasama.

      Walang gumagawa ng mabuti,

      Wala kahit isa.+

       4 Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali?

      Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay.

      Hindi sila tumatawag kay Jehova.+

       5 Pero mababalot sila ng matinding takot,

      Takot na hindi pa nila kailanman naramdaman,*

      Dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay* sa iyo.

      Ipapahiya mo sila, dahil itinakwil sila ni Jehova.

       6 Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+

      Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,

      Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.

  • Roma 3:10-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 gaya ng nasusulat: “Walang taong matuwid, wala kahit isa;+ 11 walang sinumang may kaunawaan; walang sinumang humahanap sa Diyos. 12 Ang lahat ng tao ay lumihis, lahat sila ay naging walang silbi; walang sinumang nagpapakita ng kabaitan, kahit isa man lang.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share